DAVAO CITY – Nakaranas umano ang mga Youth volunteers ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ng panghaharass sa isang “intruder” na humarang sa Davao for Leni Volunteers Center sa Juna Subdivision, Matina matapos ang kanilang isinagawang “Caravan of Hope”.
Ayon sa pahayag ng Youth for Leni-Davao City ang nasabing lalaki ay nasa 40 anyos na pumasok sa kanilang opisina ang nagtanong sa mga volunteers kung papano inorganisa ang caravan sa mga local supporters ng Robredo at running-mate nito na si Senator Kiko Pangilinan.
Sinasabing nasa 15 na mga volunteers, ang nananatili sa nasabing area lugar human ang gilusad nga parada para magpahinga ng bigla na lamang silang hinaras at nag-amok ang nasabing lalaki at tinawag na mga “bayaran” at aasahan umano na hindi pa ito ang harassment na kanilang mararanasan lalo na at nasa hometown umano ang mga ito ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Pinaalalahanan umano ng mga volunteers ang “intruder” na kung may reklamo ito, pumunta lamang sa Robredo Peoples Council Volunteers Center na may opisina rin sa lungsod.
Iniimbestigahan na ng otoridad ang nasabing insidente matapos malaman na gumamit lamang ng pangalang Antonio Luna ang lalaki ng pumasok sa nasabing opisina.