-- Advertisements --
Nagpasaklolo sa kaniyang mga fans ang singer na si Marcelito Pomoy matapos na mabiktima ng hackers ang kaniyang YouTube channel.
![Marcelito Pomoy YT](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2021/07/Marcelito-Pomoy-YT.jpg)
Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng screenshot ng pagtanggal ng kaniyang YouTube channel.
Tinanong niya sa mga followers nito kung paano ma-kontak ang YouTube.
Ginagamit nito ang kaniyang channel para maging inspirasyon sa iba kung saan napopost ito ng mga video ng kaniyang mga nakamit na tagumpay sa buhay.