-- Advertisements --
Nasa halos1,000 katao na ang natulungan ni YouTube superstar MrBeast na makakita muli.
Binabayaran ng content creator ang pagtanggal ng katarata ng 1,000 kataong nabulag na o malapit ng mabulag na walang kakayahang magbayad ng operasyon.
Sinabi nito o si Jimmy Donaldson sa tunay na buhay na patuloy pa rin ang kaniyang pagbibigay ng tulong sa taong walang kakayahan na magpa-opera ng kanilang mga mata.
Nagsimula ang proyekto sa pamamagitan ni Jeff Levenson, na isang ophthalmologist at surgeon, kung saan tinawagan niya ang grupo ni Donaldson para isagawa ang proyekto noon pang Setyembre.
Mula pa sa mga bansang, Jamaica, Honduras, Namibia, Mexico, Indonesia, Brazil, Vietnam at Kenya ang mga natulungan ni Donaldson.