-- Advertisements --

Inaresto ang kilalang YouTube artist sa India matapos na itali ang aso nito sa lumilipad na lobo.

Mula kasi na mai-upload ni Gaurav Sharma ang video ay nagalit ang mga animal rights group.

Humingi na rin ng paumanhin si Sharma at sinabing naiintindihan nito ang kaniyang pagkakamali.

Paliwanag niya na hindi siya galit sa aso nitong si Dollar dahil ibinibilhan pa niya ito ng mga pagkain at maging ang sariling damit ng aso.

Hindi aniya lumipad ng mataas ang aso dahil mayroong isang tao na nasa balcony ang sumagip sa lumilipad na aso.