-- Advertisements --

Ipagmamalaki pa rin daw ni Filipino-Japanese golf player Yuka Saso ang pagkakaroon ng lahing Pinay.

Kasunod ito sa plano niyang tuluyang maging Japanese citizen.

Sinabi ng 20-anyos na golfer na nagkaroon ng ilang serye ng konsultasyon sa pamilya nito ang pagiging mamamayan ng Japan.

Base kasi sa batas ng Japan na kapag umabot na sa 22-anyos ang isang tao na mayroong dalawang lahi ay mamimili na lamang ito sa pagitan ng pagiging Filipino o Japanese citizen.

Dagdag pa nito na sa darating na Hunyo 20, 2023 ay magiging 23-anyos na ito kaya sinimulan na niya ang pagkakaroon ng Japanese citizenship.

Pagtitiiyak nito na hindi mababago pa rin na siya ay isang Filipina.

Magugunitang nagwagi ng dalawang Asian Games gold medal at ang makasaysayang major championship sa US Women’s Open si Saso.