Naging emosyonal ang pagharap ng biyuda ni Russian opposition leader Alexei Navalny na si Yulia Navalnaya sa European Parliament.
Sa naging mensahe ni Yulia Navalnaya, binigyang diin nito na panahon na para harapin ng buong mundo si Russian President Vladimir Putin sa kanyang mga kalapit na bansa.
Sa pagbubukas naman ng naturang sesyon, nagpahayag si European Parliament President Roberta Metsola ng pagkondena sa pagkamatay ni Alexei Navalny.
Inakusahan rin ni Yulia Navalnaya si Putin bilang utak at nagplano ng pagdispatsa sa kanyang asawa.
Aniya, ito ay nagpapakita lamang na kayang gawin lahat ni Putin at hindi na ito mababago.
Nagpahayag din siya ng pag-aalala na wala sa kasalukuyang restrictive measures ng EU ang talagang nagpahinto sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Nanawagan naman ito sa na magkaroon pa ng mas maraming innovative ideas para talunin ang rehimen ni Putin kapwa sa loob ng bansa at sa mga aksyon nito sa mga neighbour countries nito.