-- Advertisements --

Pasok sa listahan ng Forbes Asia ’30 under 30′ sina world champion gymnast Carlos Yulo at skateboard champion Margielyn Didal.

Ang dalawa ay napili sa kabuuang 3,500 na nominado sa buong mundo.

Pawang mga nasa edad 30 pababa na may kakaibang talento at game-changer.

Magugunitang nakapagtala ng kasaysayan ang 19-anyos na si Yulo matapos magwagi ng gold medal sa men’s floor exercise World Artistic Gymnastics championship.

Noong nakaraang taon ay nakakuha ito ng pitong medalya sa 30th Southeast Asian Games.

Habang ang 20-anyos na si Didal ay naging kauna-unahang Filipina na lumaban sa XGames.