-- Advertisements --

Nakatanggap ng dagdag na insentibo si double gold Olympic medalist Carlos Yulo at mga atleta ng bansang sumabak noong Paris Olympics.

Nagbigay ng P10-milyon na cash ang grupong International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) dahil sa tagumpay niyia sa men’s artistic gymnastics.

Mayroon namang tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Aira Villegas at Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng bronze medal.

Habang ang mga hindi nakakuha ng medalya ay nakatanggap ng tig-P200,000.

Ayon kay ICTSI executive vice president Christian Gonzales na hindi matatawaran ang naging sakripisyo at pagod na kinaharap ng mga atleta kaya mahalaga na bigyan sila ng pagkilala.

Pinasalamatan naman ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang mga kumpanya dahil sa walang sawang pagsuporta sa mga atleta ng bansa.