-- Advertisements --
Duterte Diaz Yulo Petecio Obiena Diaz

Babandera ang ilang world champion athtletes sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games sa November 30.

Pangungunahan ni world champion gymnast Carlos Yulo ang pagsindi ng SEA Games flames sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Pamumunuan naman ni weightlifter Hidilyn Diaz ang pagdala ng watawat ng Pilipinas bilang flag bearer.

Makakasama niya rito sina Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal, world boxing champion silver medalist Eumir Marcial, Olympic pole-vaulter EJ Obiena, world champion boxer Nesthy Petecio at SEA Games judo champion Kiyomi Watanabe.

Ayon sa mga organizers ng SEA Games, kaya napili si Yulo ay dahil binibigyang importansiya ng bansa ang panalo nito sa Germany noong nakaraang buwan na siyang kauna-unahang pagkakataon na nakilala ang Filipino sa nasabing sport sa buong mundo.