-- Advertisements --
Labis na nagpasalamat si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa mainit na pagsalubong sa kaniya at ng kasamahan nito ng atleta na sumabak sa Paris Olympics.
Sa kaniyang talumpati matapos na imbitahan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa MalacaƱang ay pinasalamatan ni Yulo ang walang humpay na suporta ng gobyerno sa mga atleta.
Naging malaking tulong din ang ginawang maagang training ng Philippine Olympic Committee sa Paris para ma-kabisado nila nila ng klima ilang linggo bago ang pagsisimula ng Paris Olympics.
Hinikayat nito ang kapwa atleta na lalong galingan para mas lalong makilal ang Pinoy sa buong mundo.