-- Advertisements --

Nakakuha ng silver medal si Filipino gymnast Carlos Edriel Yulo sa 53rd All-Japan Seniors Gymnastics Championship.

Nagtala ito ng 14.733 points sa vault event sa torneo na ginanap sa Takashi Arena sa Gunma, Japan.

Kasama niyang nakakuha ng silver medal si si Kenzo Shirai na three-time world floor exercise champion.

Nagwagi sa event si Wataru Tanigawa na mayroong 14.900 points.

Ito ang unang international competition na sinalihan ni Yulo mula noong 30th SEA Games kung saan nagwagi ito ng dalawang gold medal at silver medals.