-- Advertisements --
Nakatanggap ng dagdag na P14 milyon si double Olympic gold medalist Carlos Yulo mula sa House of Representatives.
Ipinasakamay ni House Speaker Martin Romualdez at ilang house leaders ang nasabing halaga.
Nagbigay ng kabuuang P6 milyon si Romualdez kung saan tig-P3-milyon sa bawat gold medal habang ang mahigit na 300 na mambabatas ay nag-ambag ng kabuuang P8-M.
Binigyan din nila ng Congressional Medal of Excellence si Yulo dahil sa tagumpay nito.
Lahat ng mga atleta ng bansa at maging ang kanilang coaches na sumabak sa katatapos na Paris Olympics ay nabigyan din ng Congressional recognition.
Binigyan naman ng tig-P2.5 milyon sina bronze medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas.