-- Advertisements --

Nananatiling determinado ang world gymnastics champion na si Carlos Edriel Yulo na madagdagan ang naisabit niyang gintong medalya sa nagpapatuloy na South East Asian (SEA) Games 2019.

Pagtitiyak ito ni Bettina Pou, Secretary General ng Gymnastics Association of the Philippines sa panayam ng Star FM Bacolod.

Ayon kay Pou, bigo mang makuha ni Yulo ang lahat ng gold medals sa artistic gymnastics ng biennial sporting event ay hindi ito napanghihinaan ng loob.

Sa katunayan, positibo si Yulo na masungkit pa rin ang gintong medalya sa horizontal at parallel bars gayundin ang sa vault.

Sinabi ni Pou na marami nang pagkabigong nadaanan si Yulo kabilang na ang depression at ang kagustohang mag-quit sa gymnastics noon.

‘Actually mahirap ang naranasan ni Caloy, ‘yong paglilipat niya sa Japan away from his family sa napakabatang edad. Marami siyang depression na napapagdaanan, gusto nang mag=quit, maraming ganun. Tiyaga nalang talga tiyaka yong supports ng parents niya talaga makes a difference,’ pahayag Pou.