-- Advertisements --

Tiniyak ni Filipino gymnast Carlos Yulo na ito ay babawi na sa Paris Olympics 2024.

Ito ay matapos na mabigo siyang makakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics.

Malaki kasi ang expectations kay Yulo dahil sa tagumpay nito sa mga world championships competitions at sa Southeast Asian Games noong 2019.

Kahit na nasa pang-apat na puwesto si Yulo ay buong suporta pa rin ang ipinakita ng mga Pilipinong nanood sa laro.