Hindi inaalintana ni Filipino gymnast Carlos Yulo ang kakaunting bilang ng medalya na kaniyang mahahakot sa 2023 South East Asian Games sa Cambodia sa susunod na buwan.
Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion-Norton, na mayroong hanggang apat na medalya lamang maaring mapanalunan ni Yulo.
Kasunod ito sa nagsagawa ng modification ang organizers ng SEA Game kung saan nalimitahan ang mga event na sasalihan ng 23-anyos na si Yulo.
Dagdag pa ni Norton na handa naman ang mga kasamahan ni Yulo sa koponan para makalikom ng iba’t-ibang medalya sa mga events.
Noong 2022 SEA Games kasi sa Vietnam ay mayroong kabuuang limang gintong medalya at dalawang silver medals ang naiuwi ni Yulo sa men’s artistic gymnastics habang noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa ay mayroong dalawang ginto at limang silver medals ito.