-- Advertisements --
Tinanggihan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na maging flag bearer sa pagbubukas ng Tokyo Olympics si Carlos Yulo.
Sinabi ni Cynthia Carrion ang pangulo ng GAP na kailangang magpahinga si Yulo sa gabi ng kumpetisyon kaya umatras sila sa hiling Phlippine Olympic Committee na kung maaring maging flag bearer si Yulo.
Isa kasi si Yulo sa potensiyal na magwawagi ng gold medal sa Tokyo Olympics.
Maguguintang nagwagi ng gold medal si Yulo noong 2019 World Artistic Gymnastics Championship sa Stuttgart, Germany na siyang naging kauna-unahang Southeast Asian na magwagi sa torneo.