-- Advertisements --
Magsisilbing flag-bearer para sa Pilipinas ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo, na nakasungkit ng dalawang gintong medalya at ang Filipina boxer na si Aira Villegas, na nakasungkit ng bronze medal sa pagtatapos ng Paris 2024 Olympics.
Nakatakda ang closing ceremony ng sa Linggo sa Stade de France.
Makakasama nina Yulo at Villegas sa closing rite sina Petecio at Paalam gayundin ang mga weightlifter na sina Elreen Ando, Vanessa Sarno, at John Ceniza at hurdler na si Lauren Hoffman.
Makakasama rin sa mga delegado sina Mitch Martinez, Reynaldo Galido, Donald Abnett, Elmer Pamisa, Ronald Chavez, Louise Gopez, Bethel Solano, Christopher Bureros, Antonio Agustin, at Marcus Manalo.