CAUAYAN CITY- Nagpahayag ng taos pusong pasasalamat si Cong. Antonio “Tonyper” Albano ng 1st district ng Isabela sa mga nakiramay sa kanilang pamilya kasunod ng pagpanaw ng kanyang Ama na si LPGMA Representative Rodolfo Albano Jr. dahil sa sakit sa puso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng kongresista na napagkasunduan nilang magkakapatid na ibuburol ang labi ng kanilang ama sa Heritage Park sa Taguig.
Balak din nilang iuwi sa Cabagan, Isabela ang labi ng kanilang ama sa araw ng Sabado o Linggo.
Bukas, araw ng Huwebes ay nakatakda ang Necrological service sa House of Representatives upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kapwa kongresista at ilang VIP para sa kanilang eulogy sa yumaong LPGMA Representative.
Kaugnay nito ay hinihintay na lamang ng pamilya Albano na pormal na maihayag ang hahalili sa nabakanteng pwesto ng kanilang ama kung saan si Atty. Allan Ty na 2nd Nominee ang nakatakdang humalili sa posisyon.
Tinyak naman ni Cong. Tonypet Albano na sa kabila ng pinagdadaanan ng kanilang pamilya ay hindi maapektuhan ang kanilang trabaho sa kamara bilang isang kongresista.