Masayang inanunsyo ng 23-taong gulang na si Zack Tabudlo sa ginanap na contract signing nang pinaka-malaking label records sa U.S na Mercury Records.
Sa post nito sa kaniyang social media ipinagmalaki ng singer at songwriter na ‘Your boy is now officially signed with Mercury Records US!!.’
‘After so many years in the making, we’re finally here. It’s funny how quickly life can turn around. From being a normal kid in the Philippines writing songs in my tiny room after school, to now being signed by one of the biggest record labels in America,’ ani pa ni Zack.


Kaugnay pa nito nagpasalamat pa si Zack sa kaniyang pamilya, team, fans at sa kaniyang local record label na kumilala sa kaniyang talento.
Samantala, ang Mercury records ay isang american record na pagmamay-ari ng Universal Music group kung saan hawak ang international singer na sina Post Malone at Zayn Malik.
Kasama rin sa kanilang hina-handle sina Jeremy Zucker, na nagpasikat ng awiting ‘comethru,’ at si Stephen Sanchez na nakilala sa kaniyang awiting ‘Until I Found You.’
Sa kaniyang caption sinabi pa ng singer na hindi niya mararating ang mga ito kung hindi sa mga taong naniniwala aniya sa kaniyang kakayahan.
‘I love you and thank you for sticking with me in this journey. We just got started,’ sabi ng singer.
Excited ding ibinahagi ng singer ang ”big things” na mangyayari sa kaniyang music career.
Maaalalang nakilala si Zack sa kaniyang mga awiting ”Stay Here” noong 2018.
Noong 2023 naman ay inilabas ni Zack ang kaniyang pangatlong album na ‘3rd Time’s A Charm’ at tinawag na isa sa mga ‘most personal, vulnerable, at honest’ na kaniyang nagawa.
Nakilala pa ng husto ang singer song writer matapos ang kaniyang major concert noong Abril 2024 kung saan nag performed din ito sa South Korea noong July na pinakilala ang ganda ng musikang pinoy isa dito ang kaniyang awiting, ”Yakap,” ”Gusto,” ”Pano,” ”Binibini,” ”Give Me Your Forever,” at ”Feel This Way.”