-- Advertisements --
PHIVOLCS
Philvolcs

Muling niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Zambales.

Ayon sa Phivolcs, nakita ang epicenter nito sa 15 kilometers northeast ng Castillejos dakong alas-2:02 ng Miyerkules ng madaling araw.

Naramdaman ang intensity III sa Olongapo City habang intensity II ang naitala sa Quezon City, Muntinlupa at Taguig.

Mabilis namang tumakbo papalayo ang mga rescuers na nagsasagawa ng search and rescue operations sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga.