Nagpahayag ng pagkadismaya kay Vice President Sara Duterte si Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun dahil sa hindi nito pagsagot sa mga katanungan ng kanyang mga kapwa mambabatas sa isinagawang House Committee on Appropriations’ deliberation para sa pondo ng OVP sa susunod na taon.
Dahilan ito para mag mosyon si Khonghun para ipagpaliban ang OVP budget deliberation na hindi naman tinutulan ng iba pang mambabatas.
Ayon sa Khonghun, kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas na ipinagpaliban ang pagdinig sa budget ng VP na pangalawa sa mataas na opisyal ng gobyerno.
Pinasalamatan rin nito ang bise dahil sa pagpapakita nito ng tunay na kulay sa pamamagitan sa pamamagitan ng kawalan ng respeto sa check and balances at separation of powers and accountability.
Dahil dito ay iniurong ng komite ang hearing sa darating na Sept. 10 ng taong ito para muling ipagpatuloy.
Tanging sagot kasi aniya ng bise ay pagbasehan lamang ang kanilang powerpoint presentation na kanilang iprinisinta.
Nagiging generic at paulit-ulit ang tugon ng bise sa ilang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso sa ginanap na pagdinig.