Umakyat na sa 6,471 ang kabuuang bilang ng mga PNP personnel na tinamaan ng COVID 19.
Itoy’ base datos ng PNP Health Service, kung saan nadagdagan ng 62 na bagong cases.
Nanguna ngayon na may mataas na bilang ng COVID-19 cases ang Zamboanga Peninsula na may 27 bagong kaso, anim sa Davao Region, tig-lima sa NCRPO, Cordillera, CARAGA at Northern Mindanao.
Tatlo ang naitala sa National Operations Support Unit habang tig-dalawa naman sa National Administrative Support Unit at Central Luzon.
Habang tig-isa na bagong kaso ang naitala sa Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Regional PNP.
Sa mahigit 6,000 kumpirmadong kaso,785 dito ang active cases.
Nasa 33 ang nadagdagan na gumaling kaya sumampa na sa 5,666 ang total recoveries sa PNP.
Nananatili naman sa 20 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID 19.