Zamboanga City – Muling inulit ng pamunuan ng Zamboanga City Police Office Aarestuhin ang sino mang mahuhuling nag ve-vape sa mga pampublikong lugar alinsunod sa utos ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapulisan.
Matatandaang mariing kinukundina ng Pangulo ang pag gamit ng mga Electric Cigarettes o Vaporizers sa mga pampublikong mga lugar at ayon sa impormasyon ng tagapagsalita ng ZCPO Police Captain Edwin Duco, hindi ipinagbabawal ang pagbebenta ng nasabing mga produkto ngunit mariing ipagbabawal ang pag gamit ng vape sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang kung ano mang abala na maidudulot sa ibang tao.
Magugunitang ipinatupad ng PNP ang pag-aresto sa mga gumagamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.
Nauna rito ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga gumagamit ng vape sa bansa.