DIPOLOG CITY – Sa ngayon “COVID-19 free” na raw ang Zamboanga del Sur matapos ma-discharge sa ospital ang huling tatlong pasyente nito makaraang gumaling.
Batay sa huling ulat ng provincial task force, magkakasabay daw na nakalabas ng pagamutan ang tatlong pasyente na parang mga residente ng Pagadian City, Labangan at Aurora. Kapwa nag-negatibo na ang mga ito sa sakit.
Mahigpit na tututukan naman na ng health authorities ng lalawigan ang mga ito kasabay ng kanilang pag-uwi.
Nagpaalala ang mga otoridad na sundin pa rin ang new normal protocols para maiwasan ang muling pagkalat ng sakit sa Zamboanga del Sur.
Nabatid kasi na may mga paparating ng mga returing OFWs at mga residenteng na-stranded sa labas ng probinsya dahil sa lockdown.
Sa huling bilang ng mga otoridad, lima ang confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan. Lahat sila ay magaling na, pero mayroon pang 25 suspected cases na binabantayan.