-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Naglabas na rin nang pahayag ang alkalde ng siyudad na Zamboanga Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ukol sa appointment ni MNLF founder Nur Misuari.

Ayon sa alkalde, buong buo ang pagsunod ng Zamboanga sa desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa naging desisyon para kay Misuari bilang Special Envoy sa International Islamic Agency sa kabila ng kasong inihain ng pamahalaan ng siyudad ng Zamboanga laban sa MNLF leader at mga tauhan.

Dagdag pa ni Mayor Climaco-Salazar, sa kabila nito hindi titigil ang pamahalaan ng Zamboanga sa pagpapausad sa kaso laban sa MNLF na matatandaang nanggulo sa lungsod noong taong 2013 na ikinamatay ng 200 katao at maraming sugatan.