-- Advertisements --

Binulabog ng malakas na pagyanig ang ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula bago magtanghali nitong araw ng Huwebes.

Base sa inisyal na impormasyon mula Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), niyanig ng Magnitude 6.1 ang bahagi ng Siocon, Zamboanga del Norte at ngunit ibinaba ito sa Magnitude 5.4 kung saan may lalim na 43kms.

Nasa Intensity V ang naramdaman sa Siocon, Zamboanga del Norte, Ipil Zamboanga Sibugay at Isabela City.

Intensity V ang naitalala sa Zamboanga City, Sibuco, Zamboanga del Norte, Dimataling, Zamboanga del Sur, at Alicia, Zamboanga Sibugay.

Intensity III sa Dipolog City at Roxas, Zamboanga del Norte, Buug at Siay, ZAMBOANGA SIBUGAY

Intensity II – San Jose, Antique; Himamaylan, Negros Occidental; Molave, Zamboanga del Sur

Intensity I – Kabankalan City, Negros Occidental

Kaugnay nito, nakitaan naman ng bitak ang isang paaralan sa naturang lugar matapos ang pagyanig.

Nagkukumahog ring makalabas mula sa gusali ang ilang mga estudyante at empleyado sa Zamboanga City dahil sa lindol.