-- Advertisements --

Ikinasal na si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo.

Isinabay ang private ceremony sa kaarawan ng actress nitong Marso 23.

Sa social media post ng actor tinawag nito ang actress bilang asawa.

Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa civil ceremony sa lungsod ng Quezon kung saan pinangunahan ito ni Mayor Joy Belmonte.

Dinaluhan ng mga malapit na kaanak at kaibigan ng dalawa ang nasabing kasal.

Noong Oktubre 2022 ng ibunyag ng ina ng actress na si Sylvia Sanchez ang relasyon ng dalawa.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaibigan ng dalawa matapos ang paglabas ng nasabing balita.