-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na sila ay engaged na.

Sa social media acount ng dalawa ay nagpost ang mga ito ng larawan nilang dalawa kung saan may suot na engagement ring ang actress.

Noong Oktubre 2022 ng ibunyag ng beteranang actress Sylvia Sanchez na nililigawan ni Marudo ang anak nitong si Atayde.

Kinumpirma naman ng actor noong Enero 2023 ay inamin nito na may relasyon na sila ng actress.