-- Advertisements --

Binansagan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na “sirang plaka” ang militar matapos na iugnay ulit silang mga human rights lawyers sa umano’y ouster plot kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito ang mariing pagtanggi sa alegasyon sa kanila ng militar at iginiit na walang katotohanan katulad ng pinalutang noong nakaraan na “Red October” plot.

Madalas aniyang nabubunyag ang kalokohan ng administrasyon kaya idinadawit silang nasa National Union of People’s Lawyer at iba pang kritiko sa mga alegasyon ng ouster plot.

“Parang silang mga sirang plaka na paulit-ulit ng kasinungalingan. Palagi na kasing nabubulgar ang kalokohan ng AFP, PNP at mismong Duterte administration kaya gigil na gigil sila na idawit sa mga ganito ang kanilang mga kritiko,” ani Zarate.

“One can also see the coordinated pattern of attacks that they are doing now against the opposition before the elections to camouflage and justify the dirty operations they plan to do during election day itself,” dagdag pa nito.