-- Advertisements --

Ibinunyag ng online personality na si Zeinab Harake na nakatakda silang magpakasal ng basketbolistang nobyo na si Ray Parks Jr ngayong taon.

Sinabi nito na dapat ay sa ibang bansa subalit marami pa ang dapat asikasuhin kaya isasagawa na lamang ang outdoor wedding sa bansa.

Dagdag pa nito na nais muna nilang magpakasal bago ang pagbuo ng pamilya at magkaroon ng sariling anak.

Plano din nila na magkaroon ng prenup photoshoot sa local location sa bansa.

Una na kasi silang nagsagawa ng prenup shoot sa Japan noong nakaraang buwan.