-- Advertisements --

Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi makatao ang ginawang paglunsad ng Russia ng atake sa kanilang energy infrastructure sa araw mismo ng Pasko.

Mayroong 184 missiles ang pinalipad ng Russia sa pag-atake kung saan marami sa mga dito ang kanilang napabagsak.

Una ng sinabi ng Russia na naging matagumpay ang kanilang ginawang pag-atake.

Dahil sa nasabing atake aniya ay nawalan ng suplay ng kuryente sa capital city na Kyiv.

Itinuturing ng Ukraine na ito na ang pang-13 pag-atake ng Russia sa kanilang energy sector ngayong taon.

Pagtitiyak naman ni Zelensky na ang ginawang pag-atake ng Russia ay hindi sisirain ang tradisyon ng mga mamamayan niya na magdiwang kapaskuhan.

Dahil dito ay nanawagan na rin ito sa mga kaalyadong bansa na bilisan ang pagbibigay ng tulong militar sa kanila para tuluyang malabanan ang nasabing pag-atake ng Russia.