-- Advertisements --

Umaapela ngayon si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay US President Donald Trump na kung maaari ay huwag ng ituloy ang pagkansela ng military aid.

Sinabi ng Ukrainian President na nais niyang magkasundo muli sila ni Trump.

Handa umano ito ng makipagtulungan sa US para matiyak ang pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.

Magugunitang nagresulta sa hindi maganda ang pagbisita ni Zelensky sa Washington matapos na nakasagutan nito si Trump at Vice President JD Vance.