-- Advertisements --

Hinikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si US President Joe Biden na dumalo sa peace summit na gaganapin sa Switzerland sa buwan ng Hunyo.

Sinabi nito na kapag hindi dumalo si Biden ay kakantiyawan siya ni Russian President Vladimir Putin.

Una ng nagpahayag ang White House at Vice President Kamala Harris na hindi sila makakadalo sa nasabing summit.

Ang nasabing summit na gaganapin sa mamahaling Bürgenstock hotel ay hiniling mismo ni Zelensky kay Swiss president Alain Berset dahil ang nasabing bansa ay neutral.

Magugunitang ang US ay isa sa mga mahigpit na kaalyado ng Ukraine kung saan ilang milyon na ang ibinigay na military aide nito para malabanan ang pananakop ng Russia.