-- Advertisements --

Humirit si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Group of Seven (G7) nations na tulungan sila na suplayan ng dagdag na dalawang bilyong cubic meters ng natural gas.

Bukod pa dito ay humingi rin ito ng makabagong tangke na panggiyera, artillery units at mga bala ganun din ang mga long-range weapons.

Sa ipinadala nitong video message sa G7 summit na ginanganap sa Germany na mahalaga ang ang tulong na ibibigay nila sa Ukraine dahil sa pinapaigting ng Russia ang kanilang pag-atake sa kanila.

Hanggang sa ngayon aniya ay hindi nito nakikita na aatras ang Russia dahil sa desidido ang mga ito na sakupin ang buong Ukraine.

Magugunitang maraming mga bansa na rin ang nagbigay ng tulong pinansyal ganun din ang mga tulong na armas para labanan ang Russia.