-- Advertisements --

Ibinahagi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang naging resulta ng pulong nila ng US na ginanap sa Saudi Arabia.

Sinabi nito na ang nasabing pag-uusap ay isang constructive kasama ang representatives ng US.

Tinatanggap nila umano ang naging panukala ng US na ceasefire deal nila sa Russia.

Binigyan halaga din ni Zelensky ang papel ng US sa pagpapatupad ng usaping pangkapayapaan para tuluyan ng matuldukan ang gulo nila ng Russia.