Ibinahagi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga Members of Parliamentary ng kaniyang bansa ang kaniyang tinatawag na “Victory plan”.
Layon nito ay para mapalakas ang position ng kaniyang bansa at tuluyang matapos ang giyera nila sa Russia.
Sinabi nto na ang nasabing plano ay maaaring tuluyang matapos ang giyera na nagsimula noon pang Pebrero 2022.
Ilan sa mga dito ay ang tuluyang pagsali ng Ukraine sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) , pagtanggal na ng bans sa mga long-range strikes sa armas na galing sa Western allies na gagamitin laban sa Russia.
Kasama rin dito ang pagpapaigting ng Ukraine sa pagsakop ng mga teritoryo nila.
Hindi rin maiwasan ng Ukrainian President batikusin ang China, Iran at North Korea dahil umano sa pagtulong nila sa Russia na tinawag niyang “Coalition of criminals”.
Ang nasabing plano ay nakatakdang ipresenta niya rin sa European Union Summit sa araw ng Biyernes.