-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na plano ng Russia pasabugin ang mga nuclear power plant nila.

Sinabi nito na ang nasabing pag-atake ay lubhang magdudulot ng malaking pinsala.

Wala aniyang pinipiling border ang radiation kung saan kapwa ang Russia at Ukraine ang madadamay.

Dagdag pa nito na pinaigting ng Russia ang kanilang pag-atake sa Ukraine.

Ibinahagi ni Zelensky ang nasabing pangyayari sa kaniyang pagharap sa mga lider ng iba’t-ibang bansa na dumalo sa United Nation General Assembly.