-- Advertisements --

Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russia at China sa pagharang sa inilulunsad nitong global peace summit sa Switzerland.

Sinabi nito na nagtulungan ang dalawang bansa na hikayatin ang mga bansa na huwag dumalo.

Dagdag pa nito na may mga armas pa umano na galing sa China na ibinigay nito sa Russia.

Sa kasalukuyan ay mayroong 106 na mga bansa ang nagpahayag na magpapadala sila ng high-level representatives sa nasabing summit.

Layon ng sumit ay para makamit ang food secuirty, nuclear security ang pagpapakawala sa mga bihag ng Russia.

Una ng sinabi ng China na wala itong pinapanigan sa Ukraine at Russia subalit maraming bansa ang hindi naniniwala.