-- Advertisements --

Nagpasya si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kanselahin ang kaniyang pagbiyahe sa Saudi Arabia matapos na hindi siya isinama sa pag-uusap ng US at Russia.

Sinabi ni Zelensky na nakatakda na sana itong bumisita sa Saudi Arabia ngayong linggo.

Nasorpresa aniya ito at maging ang mga mamamayan niya dahil sa hindi sila isinama ng pag-uusap ng US at Russia na ginanap sa Saudi Arabia.

Giit nito na nais nilang tuluyang matapos na ang kaguluhan nila ng Russia.

Inaasahan naman ni Zelensky ang pagbisita ng ilang opisyal ng US sa kanilang bansa para sa ceasefire.