-- Advertisements --

Personal na umapela si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay US President Joe Biden para sa mga karagdagang tulong militar at tuluyang talunin ang Russia.

Sa ginawang pagbisita ng Ukrainian President sa White House, ibinahagi nito ang mga “Victory Plan” sa US President.

Naniniwala si Zelensky na hindi ito mabibigo dahil sa mula pa noon ay kasama na nila ang US.

Sa panig naman ni Biden, ay tiniyak nito na hanggang sa huling mga araw nito sa panunungkulan ay kaniyang ibibigay ang nararapat na suporta sa Ukraine.

Naniniwala ito na sa pag-upo ni Vice President Kamala Harris ay magtutuloy-tuloy ang kanilang suporta.