-- Advertisements --

Lubos ang pasasalamat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa European Council members dahil sa suporta nito sa Ukraine sa ginawang pananalakay ng Russia.

Kabilang din sa pinuri ni Zelenskya sa kaniyang address sa European Council summit ay ang maraming bansa na naninindigan para sa Ukraine, kabilang ang Poland, Estonia, Czech Republic, at Italy.

Ngunit pinili rin niya ang ilang mga bansa para sa pagiging huli o nag-aatubili na gumawa ng mga hakbang kagaya ng Germany, Portugal at Ireland – at pagkatapos ay binatikos ang Hungary para sa neutral na paninindigan nito.

Binalangkas din ni Zelensky ang pagkasira at pinsala ng Russia sa kanyang bansa, at pinasalamatan ang Europa sa pagkakaisa sa kanilang suporta para sa Ukraine.

Aniya, naglapat ng mga parusa ang mga bansang ito kung kaya’y siya ay nagpapasalamat.

Ngunit, huli na umano ang nasabing mga aksiyon.

Kung nagkaroon man ng preventative sanctions marahil daw ay hindi nakipagdigma ang Russia.

Itinuro din niya ang pipeline ng gas ng Nord Stream 2, kung saan iminungkahi niya na kung na-block ito nang mas maaga, hindi sana makapagdulot ng gas crisis ang Russia.

Samantala, nakatakdang makipagkita si US President Joe Biden sa Ukrainian refugees sa Polish-Ukrainian border.

Nasa 2 million Ukrainians na ang lumikas sa Poland .

Kinumpirma rin ng NATO na magpapadala ito ng 40,000 troops sa Slovakia, Hungary, Bulgaria and Romania .

Napag-alaman na sa kasalukuyan, nasa 135 bata na ang namatay simula ng Russian invasion.