-- Advertisements --

Nakakuha ng suporta si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa pagdalo nito sa European Leader’s summit na ginanap sa Paris.

Sa nasabing pulong ay nanguna si French President Emmanuel Macron at British Prime Minister Keir Starmer na magpapadala ng reassurance force sa Ukraine para malabanan ang anumang pag-atake ng Russia.

Nais din nilang mabigyan ng deadline ang Russia para matiyak na naipapatupad ang ceasefire.

Hiniling din ni outgoing German Chancellor Olaf Scholz, na hindi dapat matanggal ang sanctions na ipinataw sa Russia hanggang nakamit ng Ukraine ang tunay na kapayapaan.

Bagamat inakusahan ng mga European leaders si Putin na pinagwawatak sila ay nanindigan pa rin si Zelensky na ito ay makikipagtulungan pa rin sa US.

Mahalaga aniya ang tulong din ng US para maging malakas din ang Ukraine.