-- Advertisements --

Naging maganda ng bunga ng pakikipagpulong ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga lider ng European Union sa Brussels, Belgium.

Ito ay matapos na nakakuha ng mga suportang militar sa mga European countries.

Nanguna ang Belgium na magbibigay ng mga F16 fighter jets sa Ukraine sa 2026, habang ang Crotia ay naglaan ng 2 percent ng knailang defence budget at 30 percent para sa military modernization.

Mayroon namang bagong kontrata ang United Kingdom government sa pagsuplay ng mga attack drones sa Ukraine na nakadesensyo para sa pag-monitor sa anumang strike.

Ipinanukala naman ng Lithuania na pagdating ng Enero 31, 2030 ang petsa kung saan magiging miyembro na ang Ukraine ng European Union.

Aabot din sa 20 mga bansa ang interesado na maging bahagi ng tinatawag na ‘coalition of the willing” na magsusuporta sa Ukraine.

Umaasa naman si Zelensky na magiging matagumpay ang magiging pulong nito sa ilang mga matataas na opisyal ng US sa susunod na linggo.