-- Advertisements --

Nakipag-usap si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Pope Francis via phone call hinggil sa nangyayaring digmaan ngayon sa kanilang bansa laban sa Russia.

Ibinahagi ni Zelensky sa kanyang address sa Italian Parliament na sinabi ng santo papa na naiintindihan nito ang hangad niya na kapayapaan at pakikipaglaban para sa mga sibilyan at kaniyang bayan.

Aniya, umabot na rin sa 117 na mga kabataan ang namatay sa kasagsagan nitong kaguluhan na tinawag na price of procrastination ng ibang bansang nais na itong patigilin.

Sinabi rin daw ni Zelensky kay Pope Frances na ang ginagawang mediating role ng Holy See sa pagwawakas ang pagdurusa ng bawat isa sa gitna ng kasalukuyang humanitarian situation at pagharang ng tropa ng Russia sa mga rescue corridors ay lubos niyang pahahalagan.

Magugunita na kamakailan lang ay inilarawan ni Pope Francis bilang isang “senseless massacre” ang nangyayaring giyera ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil sa pagkamatay ng maraming mga sibilyan kabilang na ang mga matatanda, bata, at mga nagdadalang-tao na mga ina dahil sa mga pag-atake ng Russia sa mga lungsod ng Ukraine.