-- Advertisements --

Nakipagkita si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Pangulo ng Poland at Baltic states na Lithuanina, Latvia at Estonia na mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa kabisera ng Kyiv sa gitna ng hindi pa ring natatapos na Russian invasion sa Ukraine.

Sa joint press conference na isinagawa ni Zelensky kasama ang mga pangulo ng Poland Andrzej Duda, Lithuania’s Gitanas Nauseda, Latvia’s Egils Levits at Estonia’s Alar Karis, kaniyang pinasalamatan ang mga ito na kaniyang tinawag na great leaders of great countries na palaging kasama at nasa panig ng Ukraine.

Sa simula, isa aniya sila sa mga sumuporta sa vision ng Ukraine sa European Union kabilang na ang matatag na polisiya sa pagpapataw ng sanctions laban sa Russia.

Sila din ang kabilang sa mga bansang nagbibigay ng arms support sa Ukraine.

Ayon pa kay Zelensky kumpiyansa siya na sa tulong ng apat na bansa magkakaroon ng magandang kinabukasan ang Ukraine dahil kanilang partners at kaibigan ang mga ito at tiyak na sila ay magtatagumpay.

Sa ngayon, base sa pagtaya ng UN, aabot na sa 1,932 mga sibilyan ang napatay at nasa 2,589 katao naman ang nasugatan mula ng magsimula ang giyera sa Ukraine.