Nanawagan ang pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky para sa karagdagang mga parusa sa Russia.
Sa isang virtual na address sa parliament ng Australia, nagbabala si Zelensky tungkol sa malaking implikasyon sa pandaigdigang seguridad kung hindi titigil ang Russia.
Nagsalita din ito tungkol sa kung ano ang mangyayari pagkatapos ng digmaan, na nananawagan sa mga bansa at kumpanya na mamuhunan sa pagpapanumbalik ng Ukraine.
Partikular na tinumbok si Zelensky ay ang tungkol sa development ng mga daungan at lungsod sa Black Sea at muling pagtatayo ng naval sector.
Magugunitang, ang Australia ay nagpataw ng mga parusa sa higit sa 500 mga indibidwal at entities ng Russia, kabilang ang mga oligarko na may malapit na koneksyon kay Pangulong Vladimir Putin pati na rin sa ministeryo ng pananalapi ng Russia.
Nagbigay ang Australia ng “military and humanitarian aid ” at inihayag din ang pagbabawal sa pag-export ng alumina and aluminum ore sa Russia.
Umaasa ang Russia sa Australia para sa halos 20% ng mga pangangailangan nito sa alumina, ayon sa gobyerno ng Australia.