-- Advertisements --

Naniniwala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nalalapit ng matapos ang giyera nila sa Russia.

Sinabi nito na kaya nilang pagsabihan si Russian President Vladimir Putin na tapusin na ang giyera ito ay kung manggagaling sila sa malakas na panig.

Muling nanawagan din ito sa mga kaalyado niyang bansa na dapat ay palakasin ang kaniyang mga sundalo.

Nasa United Nations General Assembly ito ngayon at kaniyang ipipresenta sa mga ibat-ibang lider ang kaniyang tinatawag na ‘Victory Plan’.

Ilan sa mga nakasaad na plano ay ang patuloy na donasyon ng mga armas, pagkakaroon ng diplomatic efforts para pilitin ang Russia na pumayag sa peace agreement at panagutin ang Russia sa ginawa nitong pag-atake noong 2022.