-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi bababa sa 155 Chinese citizens na sumanib sa Russian army para sila ay kalabanin.
Kasunod ito sa naunang dalawang Chinese nationals ang naaresto ng mga sundalo ng Ukraine na nakikipaglaban sa kanila.
Giit nito na malinaw na lamang ang kanilang unang hinala na tumutulong talaga ang China sa Russia.
Sa kaniyang pagtantiya ay nasa 155 na mga Chinese ang sumapi sa Russian Army.
Pinabulaanan naman ito ng China kung saan pinag-iingat ang Ukraine na huwag basta magbintang sa kanila.
Una rito ay dinagdagan ng Russia ang pagrecruit ng mga sundalo nito dahil sa ilang libo na ang nasawi matapos ang pakikipaglaban sa Ukraine mula pa noong 2022.