-- Advertisements --

Panawagan pa ring ng suporta at dagdag na mga armas ang naging pakay ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa pagtungo nito sa White House.

Bago kasi nito nakaharap si US President Joe Biden ay nagtungo muna si Zelensky sa US Capitol at nakausap ang ilang mga mambabatas ng US.

Mula ng magsimula ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay umabot na sa mahigiti $114 bilyon na security at humanitarian aid ang naibiga ng US.

Labis ang pasasalamat ni Zelensky dahil sa hindi humihinto ang US sa pagbibigay nila ng tulong.