-- Advertisements --
Inatasan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kaniyang mga sundalo na palakasin ang kanilang northern defenses.
Sa ginawang pagpupulong niya sa mga sundalo nito ay nais niyang mapalakas ang puwersa nito sa bahagi ng border nila ng Belarus.
Noong mga nagdaang araw kasi ay may naiulat na patuloy na pagpapaulan ng Russia ng missile sa bahagi ng Sumy at Chernihiv regions.
Minaliit din aniya ng mga sundalo ng Ukraine ang posibilidad ng pag-atake mula sa Belarus kaya nais ni Zelensky na bantayan ang nasabing lugar.